2016 Arbitral Award sa South China Sea, muling pinagtibay ng PH at Germany na pinal at legal

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Germany na pinal at ligal ang 2016 Arbitral Award sa South China Sea.

Sa joint press statement matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at German Federal Minister of Defense Boris Pistorius, kapwa rin pinagtibay ng dalawang opisyal ang kanilang matibay na pangako sa kalayaan sa paglalayag alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Inihayag din ni Sec. Teodoro ang pasasalamat sa Germany sa matatag na suporta sa international law.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nangako rin ang mga opisyal na mapalawak pa ang training cooperation at bilateral exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Germany ang isa sa “oldest” defense partner ng Pilipinas sa pamamagitan ng 1974 Administrative Agreement.