Dead on arrival ang isang lalaki sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon matapos pagsasaksakin ng isang suspek nang dahil sa selos.
Kinilala ang bikitma na si alyas Dagul, 49-anyos, habang patuloy pa ring pinaghahanap ang nakatakas na suspek na si alyas Erwin Hapon.
Ayon sa PNP Regional Police 4A, kinompronta ng suspek ang nasawing biktima dahil sa pakikipagrelasyon umano nito sa kanyang kasintahan.
Nagtalo ang dalawa at nauwi sa suntukan, hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.