Olympic gold medalist Carlos Yulo, tatanggap ng tatlong milyong piso mula sa Kamara

Pagkakalooban ng Kamara ang Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo ng tatlong milyong piso matapos ang matagumpay nitong performance sa Paris Olympics 2024.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, ito’y bilang pagkilala sa makasaysayang pagwawagi ni Yulo sa men’s floor exercise sa Olympics.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sumasalamin aniya ang gantimpala sa suporta ng Kongreso sa patuloy na tagumpay ni Yulo at commitment na itataguyod ang talento ng Pilipinop sa international stage.

Kasabay ng pagbati kay Yulo, binigyang-diin ni Co na ang dedikasyon at pagsisikap nito ay nagdala ng di matatawarang karangalan para sa bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ipinamalas aniya ng atleta na sa pamamagitan ng determinasyon at katatagan ay maaaring umangat ang mga Pilipino at makamit ang husay sa anumang larangan.

Bukod dito, sinabi ni Co na nagsisilbing inspirasyon si Yulo sa lahat ng kabataan at sa mga nangangarap na nagpapatunay kapag may sipag at tiyaga ay walang imposible.