2-unit ng temporary shelter sa Puerto Princesa City, ginagawang drug den; ni-raid, 4 arestado

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), City PNP at Anti-crime Task Force (ACTF) ang dalawang unit ng temporary shelter sa Peneyra Rd. Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City kagabi, ika-1 ng Agosto.

Nahuli umano sa akto roon na nagsesesyon ang apat (4) katao kabilang na isang lalaki at apat na kababaihan.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Sa ulat ng PDEA, ang mga naaresto ay sina (1) Roger Flores alias Kibor, 47-anyos, (2) Cris Garbo Dayap, 30-anyos, (3) Babyfin Toca Constantino, 31-anyos at Charlene Pomar Baillo, 32-anyos.

Nakuha sa target unit ang limang (5) sachet na pinaghihinalaang shabu na may market value na aabot sa P48,000.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Bago ito, una nang isinailalim sa surveillance ang dalawang unit matapos mamonitor ng mga naka-antabay na Anti-crime task force na labas pasok ang ibat-ibang tao roon ayon kay ACTF Director Richard Ligad.

Samantala, himas rehas na ang mga naaresto dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).