Mga driver pinag-iingat kasunod ng mga aksidente sa Tigaon, Camarines Sur

CAMARINES SUR — Pinadodoble-ingat ngayon ng Tigaon Municipal Police Station ang mga motorista matapos ang nangyaring dalawang magkasunod na aksidente sa nasabing bayan na ikinasawi ng isang senior citizen at dalawang driver ng motor.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Captain Monica San Juan, ang officer in charge ng PNP Tigaon, pinaalalahan nito ang mga motorista na maghinay-hinay sa pagmamaneho lalo na’t balik-eskwela, marami ang mga estudyante. Binigyang-diin rin nito ang kahalagahan ng maingat at responsableng paggamit ng pedestrian lane.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Samantala, nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang road construction sa ilang bahagi ng nasabing bayan, bagay na isa pa sa dapat usisain ng mga motorista.