Justice Sec. Remulla, dinepensahan ang pagbabawas ng security detail ni VP Sara Duterte

Walang nakikitang masama si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagbabawas ng 75 police personnel sa security detail ni Vice Presidente Sara Duterte.

Ayon kay Remulla – ‘I don’t think it’s a bad matter’ na alisan ng mga tauhan si Duterte, lalo pa’t mayroon pa itong 300 bodyguards.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Mas malaki nga umano ang bilang na ito kaysa sa security ng pangulo.

Mababatid na ayon sa PNP, ni-recall nito ang 75 mula sa 106 na mga officers ni Duterte para tugunan ang kakulangan ng personnel sa Metro Manila.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ito umano ay upang ma-sustain ang police visibility at presence, at nagamit din ang naturang mga pulis sa nagdaang SONA at bagyo.