CAMARINES NORTE- Hinirang na 1st Runner up ang Mercedes Critical Habitat sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa katatapos lang nba 2022 Gawad Iba ka Juan 2nd Best Mangrove Award sa Bicol Region.
Ginawa ang awarding ceremony noong nakaraang Huwebes sa lalawigan ng Albay sa culminating activity ng 2022 Month of the Ocean (MOO) celebration na dinaluhan ng ilang Local Government Units.
Ang pagtanggap ng award ay pinangunahan nina Councilor Colen Ibasco at Punong Barangay Jovito Gardoña ng Catandunganon.
Sa kaniyang maikling mensahe pinasalamatan ni Ibasco ang DENR PENRO at Regional Office gayundin ang Catandunganon Fish Farmers Association at iba pang mga nagtrabaho para masungkit ang pagiging 1st Runner- Up
Aniya, sila sa LGU Mercedes ay palaging nagdarasal at nagtatrabaho para mapangalagaan ang Mercedes Critical Habitat
Noong 2020 ay hinirang na 3rd placer ang Mercedes Critical Habitat sa Search for Best Mangrove Sanctuary sa buong rehiyon.
Ang naturang Mangrove sanctuary ay nagsisilbing tirahan ng ng Philippine duck at iba pang wildlife species.
Ang nakatanggap na parangal ay bunga ng dedikasyon ng LGU sa pangunguna ni Mayor Dante Morales at ng Barangay na maprotektahan ang natural resources nito.
Ngayong taon ay nasungkit naman ng the Pawa Mangrove Park sa Masbate City ang Best Mangrove Award kaya ito na rin ang pambato ng Bicol Region sa Para El Mar Awards, isang biennial event na nagbibigay ng pagkilala sa best performing local Marine Protected Areas (MPAs).
Hinirang naman na 2nd Runner- Up ang Panganiban Mangrove Area sa Gubat, Sorsogon.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni DENR- Regional Executive Director Francisco Milla Jr na ang pagdiriwang ng Month of the Ocean ay isang magandang pagkakataon upang maipaunawa sa mga tao at sa komunidad ang kahalagahan ng coastal at marine ecosystems.
Para naman kay DENR Camarines Norte PENRO Marlon Francia, ang kagandahan umano ng naturang award ay upang ma- inspire lalo ang komunidad at ang LGU na ipagpatuloy ang mga ginagawang intervention sa lugar.
Aniya, magandang isipin na bukas ang kamalayan ng komunidad sa pag protekta sa kapaligiran.
(Photos Courtesy: Coun. Colen Ibasco/ Catandunganon Fish Farmers Association)
