KORONADAL CITY- SUMUKO ang dalawang miyembro ng New People’s Army o NPA sa mga otoridad sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Kinilala ang mga ito na sina Alias Dagul, Political Guide ng Platoon Central, Guerilla Front Musa (GF MUSA), Far South Mindanao Region (FSMR) at Tata Tonow Tihal alias Tata, isang Milisyang Bayan member at pawang mga residente ng Lake, Sebu, South Cotabato.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang M79 Grenade Launcher kasama ang limang 40mm High Explosive ammunition, isang Cal. 5.56 M16 rifle at isang M79 grenade launcher.
Pinuri naman ni Brigadier General Pedro Balisi Jr., commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade ang dalawang NPA sa pagbalik loob ng mga ito sa gobyerno.
Pinasiguro naman ng LGU T’boli sa isasailalim ang mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program upang makapamuhay muli ng matiwasay.
