Target palay procurement ng NFA So.Cot, nalampasan

KORONADAL CITY- NALAMPASAN ng National Food Authority o NFA South Cotabato ang Target Palay Procurement nito sa buwan ng Enero ngayong taon.

Sa datos, umabot sa 10,840 bags ng palay ang na-procure ng NFA South Cotabato Branch Office na mas mataas kumpara sa 8000 bags na target.

Nagpapatuloy naman ang palay procurement ng NFA sa pamamagitan ng mga buying stations nito sa Koronadal City, Banga, Surallah at Sto.Niño.

Ang buying price ng NFA ay nasa P 19 per kilo.

Ang NFA ay bumibili ng malinis at dry palay na may moisture content na at least 14%, 95 to 100 % purity, 7 percent discolored at ligtas sa infestation.