Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ES Consortium dahil sa hindi pa nababayarang suweldo ng mga driver at konduktor ng EDSA Carousel bus service.
Ayon kay LTFRB chairperson Martin Delgra nasa P1.6 bilyon na ang inilabas nila sa consortium para bayaran ang mga driver at konduktor sa ilalim ng service contracting program.
Paliwanag pa ng LTFRB chief ang halaga ay inilabas sa mga account ng nasa 18 bus operator sa ilalim ng consortium.
Nanindigan si Delgra na dapat may managot sa pag-antala sa sweldo ng mga bus drayber at konduktor gayung bayad na ito ng gobyerno.
Magugunitang nitong Lunes, nagsagawa ng protesta ang mga driver at konduktor ng bus sa kahabaan ng EDSA dahil sa hindi nababayarang suweldo.
