Nakapagtala ang lungsod ng Olongapo ng dalawang insidente ng pagkalunod nitong nakalipas na paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office-OIC Jeff Lapid, isa ang nalunod sa may Bantay Bayan, Kalaklan kung saan ang biktima ay lalaki na residente ng East Bajac-Bajac habang ang isa naman ay nangyari sa Mampweng, Old Cabalan na ang biktima ay 14-anyos na babae na residente ng New Cabalan.
Sa karagatang sakop naman ng San Narciso, Zambales base na rin sa kumpirmasyon ng Municipal Police Station ay isang insidente rin ng pagkalunod ang naitala kung saan ang biktima ay isang foreign national.
Nangyari ang mga nabanggit na drowning incident nitong nakalipas na paggunita ng Semana Santa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
