42 pamilya sa Masbate nawalan ng tirahan dahil sa isang kandila

SORSOGON CITY – Isang nakasinding kandila umano na naiwanan sa isang bahay ang itinuturong dahilan sa sunog sa Brgy Pating sa nasabing lungsod.

Nasa 42 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos maabo, bago lumubog ang araw noong Biyernes Santo. Wala naman umanong naiulat na kaswalti sa nasabing sunog.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Tinatantiyang ang kabuuang pinsala ng sunog ay mahigit-kumulang nasa P10M.

Agad namang namahagi ng paunang tulong na  P2,500 bawat nasunugan at ilang basic commodities habang ang P2,500 na cash aid na magmumula sa Provincial LGU ay ipapamahagi matapos ang validation sa mga nasunugan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa kasalukuyan ay sagot muna ng Brgy Pating ang tirahan ng mga biktima.