2 doses ng COVID-19 vax makakapagbigay parin ng proteksyon vs Delta variant

Binigyang diin ng Department of Health na makakapagbigay parin ng proteksyon ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine laban sa mas nakakahawang Delta coronavirus variant na unang nadiskubre sa India.

Mababatid na nasa 17 kaso ang naitatala na sa Pilipinas ng Delta variant, kung saan ang lahat ng ito ay pawang mga inbound international travelers o returning overseas Filipinos.

Read More:  Lacson hopes to become Marcoleta’s “BFF” again

Una nang sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, chief epidemiologist ng DOH, na bagama’t mababawasan ang effectiveness ng bakuna sa bagong variants, ay protective parin naman umano ang jabs.

Ayon kay De Guzman, mabilis ngayon na kumakalat sa buong mundo ang Delta variant na lumalabas na mas nakakahawa at maaring associated sa iba’t-ibang sintomas.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Sa gitna nito, tiniyak naman ng DOH sa publiko na patuloy na pinalalakas ng mga kinauukulan ang biosurveillance efforts para madetect ang variant cases at hinimok ang patuloy na pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19, matapos ang vaccination. // MHEL PACIA-TRINIDAD