97% ng mga health workers sa priority areas, nabakunahan na vs COVID-19

Nabakunahan na ng Pilipinas ang nasa 97% ng mga health workers sa priority areas laban sa COVID-19, na binubuo ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa ilalim ng A1 category, mayroong 1.5 million na nabakunahan na mula sa 1.6 million.

Hindi naman kasama sa bilang ang mga overseas Filipino workers at mga pamilya ng medical professionals na isinama sa A1 group, ang top priority sector para sa COVID-19 vaccination.

Samantala, sinabi naman ni Cabotaje, na 2 million senior citizens, 2.1 million na mga taong may comorbidities, mahigit 573,000 essential workers, at 76,412 indigents ang nabakunahan laban sa naturang sakit.

Sa kabuoan, nasa 8.5 million doses na ang nabakunahan sa buong bansa, kung saan 6.4 million dito ay sa first doses habang 2.1 million ay second doses. // MHEL PACIA-TRINIDAD