PH, naghihintay nalang ng formal notice mula Oman, para tanggalin ang deployment ban

Hinihintay nalang ng Pilipinas ang opisyal na abiso mula sa Omani government bago tanggalin ang deployment ban para sa mga OFWs papuntang Oman.

Ito’y matapos pumayag ang naturang bansa na tanggalin na ang kanilang travel restrictions sa mga overseas Filipino workers.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Matatandaan na ang deployment suspension ay nagsimula noong June 18 at sinundan ng travel advisory na nagbabawal sa pagpasok ng mga travelers mula sa Pilipinas.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, lumagda sila sa pagitan ng Omani government ng isang undertaking para sa naturang kautusan, habang ang inasatan naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang POEA na i-lift na rin ang temporary deployment suspension. // MHEL PACIA-TRINIDAD