2-anyos na bata na nalunod sa irigasyon sa Calabanga Camarines Sur

NAGA CITY- Pinaglalamayan na ngayon ng pamilya Barsenas sa bayan ng Calabanga ang dalawang taong gulang nilang anak matapos itong malunod sa irigasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Mark Spaña, tagapagsalita ng Calabanga MPS, umaga ng umalis ang mag-asawa para puntahan ang isa pa nilang anak na nasa ospital. Naiwan sa bahay ang dos anyos na anak na si “Danny” kasama ang ate nitong 13 anyos.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kwento ng dalagita sa mga otoridad, hapon ng magtungo ito sa irigasyon, ilang metro lamang ang layo, upang maligo.

Pagbalik nito sa bahay nila mga pasado alas dos ng hapon, dito na hinanap ang naiwang nakababatang kapatid ngunit hindi na ito matagpuan.

Agad naman nagpatulong sa mga kapitbahay at mga bandang alas 3 ng hapon ng matagpuan ang katawan ng bata sa irigasyon 200-300 metro ang layo mula sa tahanan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Walang nakikitang foul play ang pamilya. Marahil, nang makita na paalis ang ate ay sinundan lamang ito ni Danny na naging dahilan para mahulog at malunod.

Sa ngayon, naiuwi na sa bahay ng pamilya sa Zone 2, Barangay Bigaas ang labi ng dalawang taon na bata.

Ang batang si Danny ay pang anim na anak ng mag-asawa Dante at Elizabeth. Nananawagan din ito ng tulong para sa pagpapalibing sa kanilang anak.