Bayan ng Daet, nangunguna sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Camarines norte ang bayan ng Daet base sa ipinalabas na datos ng Provincial Incident Managaement Team

Sa tala na iniulat sa nakalipas na operational period briefing umaabot na sa 494 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang bayan mula noong magsimula ang pandemya hanggang July 28, 2021

127 dito ay aktibong kaso habang may 21 na ang naitalang nasawi sa sakit

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Pumangalawa naman sa may pinakamarami ng naitalang kaso ang bayan ng Labo na may 175, pumangatlo ang Basud na may 107

Pangapat naman ang bayan ng Vinzons na may 94 na sinundan ng bayan ng Paracale na may 79 na kaso

63 kaso naman ang naitatala na sa bayan ng Sta. Elena, 58 sa bayan ng Mercedes, 52 mula sa bayan ng Talisay,  55 mula sa Bayan ng Jose Panganiban, 48 sa bayan ng San Vicente

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Habang ang bayan ng Capalonga ay may 33 at ang bayan ng San Lorenzo ruiz ay may 24 na kabuuang kaso ng COVID-19

Sa kasalukuyan ang 12 bayan ay pawang may mga aktibong kaso

Sa naitala namang pagkasawi tanging ang bayan ng San Lorenzo Ruiz ang zero death case