PhilHealth, nag-alok ng home isolation package para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 cases

Ipinaalala ng Philippine Health Insurance Corporation ang publiko na meron itong inaalok na COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro na asymptomatic o may mild symptoms ng COVID-19.

Sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo na available ang naturang package para sa lahat na magpopositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR test.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Gayunman, hindi aniya covered nito ang mga may severe at critical symptoms.

Ipinunto naman ni Domingo na ang home isolation package ay bayad sa accredited providers na mag-aalalaga sa mga pasyente habang sila’y naka-isolate.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Inihayag rin ni Domingo na para ma-avail ang package ay kinakailangan ng pasyente na magkaroon ng hiwalay na isolation room na may toilet at magandang bentilasyon.