NAGA CITY- Umabot na sa 18,000 na mga Nagueño ang nakapagparehistro na nais tumanggap ng COVID-19 vaccine. Ito ay base sa tala ng Information Technology Office.
70% ng target population ang kailangan mabakunahan upang maabot ang herd immunity. Tuloy-tuloy pa ang online registration sa pamamagitan ng covidvax.naga.gov.ph, mayroon ding manual registration sa 27 barangays.
Ayon sa Health Emergency Response Task Force (HERT) kailangan ang master listing upang maging batayan sa pagtukoy kung alin ang mga dapat unahin base sa prioritization framework ng Kagawaran ng Kalusugan, magiging batayan ng DOH ung ilang bakuna ang ibaba at magsisilbi rin itong central database sa post vaccination monitoring ng mga nabakunahan na.
Nakiusap si Information and Technology Office Head Reuel Oliver at City Health Officer Dr. Butch Borja na maging tapat sa mga inilalagay na impormasyon