Active case ng Covid-19 sa Pampanga, mababa na sa isang libo

Mababa na sa isang libo ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pampanga.

Batay sa datos ng Department of Health-Central Luzon as of June 25, meron na lamang 901 na active cases ang Pampanga.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Mula ito sa 23, 888 na total confirmed cases ng probinsya.

22, 203 naman dito ang mga naka rekober na habang nasa 784 ang nasawi o katumbas ng 3.28% ng total case count.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Pangalawa pa rin ang Pampanga sa buong Gitnang Luzon na may pinaka maraming naitalang COVID cases.