Natanggap na ng ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang mga Bangka mula sa Department of Environment and Natural Resources Region 3.
Ito ay gagamitin sa paglilinis at rehabilitasyon sa mga ilog na konektado sa Manila Bay para mapatiling malinis.
Ang mga nakatanggap ay ang Obando, Marilao, Hagonoy, Malolos at Meycauyan na makakatulong rin sa pagpapatrolya at monitoring ng DENR at Lokal na Pamahalaan.
Karagdagan rin ito sa iba pang bayan sa lalawigan na nakatanggap na noong taon pang 2018.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
