17 week practical training ng mga magsasaka at IAs, sinimulan na

Sinimulan na noong huling linggo ng Hunyo ang 17-week practical training ng mga magsasaka at Irrigators Association ng National Irrigation and Administration MARIIS.

Ito ay sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement ng NIA MARIIS sa pangunguna ni Engr. Josue Sabio kasama si CIAM President Nemesio Yadao at Francis Nitura sa Aurora, Isabela kung saan nakasaad ang responsibilidad ng mga ito sa isasagawang practical training for knowledge and skill development ng mga magsasaka at IAs.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang 17 linggong pagsasanay ng mga magsasaka ay nakatuon sa produksyon ng High Quality inbred rice, Seeds Certification, Farm Mechanization and Entrepreneurship.

Ito ay gaganapin sa FDN Farm Integrated na TESDA-accredited farm field school/learning site sa Brgy. Ballesteros, Aurora, Isabela na pagmamay-ari ni Francis Nitura.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Upang mahikayat naman ang mga IAs na lumahok sa kalahating araw na practical training na isasagawa tuwing araw ng Martes ay makatatanggap ang mga ito ng 500 pesos load allowance, 500 peso worth PPE o face mask, vitamins at alcohol o sanitizer.

Sa oras na makumpleto na ng mga ito ang pagsasanay ay makatatanggap sila ng sertipikasyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).