11 milyong Pilipino, nabakunahan na laban sa COVID-19- NTF

Pumalo na sa 11 milyong mga Pilipino ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Deputy Chief Implemented Vince Dizon ng National Task Force, sa loob lamang ng apat na araw mula Lunes hanggang kahapon, isang milyong doses na ang naiturok ng pamahalaan. 

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Aniya, kung magkakaroon ng mas maraming suplay ng bakuna ang Pilipinas, makakasiguro na mas marami pang maituturok sa mga susunod na linggo o buwan.

Mababatid na sa ngayon, mayroon nang 17 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas, kabilang dito ay Sinovac, Astrazeneca, Pfizer-BioNTech, Sputnik V, at Moderna.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Karamihan sa mga suplay ay Chinese vaccine na Sinovac. 

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 70 milyong Pilipino labans a COVID-19 para makamit ang herd immunity.