Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kan barangay kapitan Luzviminda Balderama, aminado ito na nagkaroon ng hawaan sa isang burol ng namatay na 84 anyos na covid-19 positive at ang nahawaan ay mga kapamilya lamang nito.
Aniya, hindi nila ito inasahan dahil bago binurol ang nasabing residente, negative umano ito sa Antigen test kaya pinayagan ng makalabas sa isang private hospital sa lungsod ng Tabaco subalit ng lumabas na ang resulta ng RT-PCR test ,dito na nalaman na positibo ito.
Dahil dito lahat ng dumalong kapamilya sa burol ang kasama sa contact tracing at isinailalim sa swab testing at nagpositibo nga ang mga ito sa nakakahawang sakit.
Aniya, dalawa rito ang kasalukuyang nasa quarantine facility sa Brgy. San Andres at ang iba pa ay naka house lockdown.
Samantalang kahapon, nagsagawa naman ng meeting si Mayor Jun Aguas sa mga barangay officials ng Brgy. Alimsog kasama ang iba pang LGU personnel sa pangunguna nu Municipal Administrator Mike Bansale tungkol sa plano sa lugar.
Namigay na rin sila ng mga relief supplies para sa mga pamilyang isinailalim sa quarantine.
Nanawagan rin tio sa residente ng pag-unawa dahil wala naman umanong may gusto ng pangyayari at nanawagan na lamang na sumunod sa health protocols para makaiwas sa sakit.