Elisse at McCoy, meron nang baby girl

Isiniwalat nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa unang pagkakataon na meron na silang sanggol.

Ginawa ng celebrity couple ang kanilang rebelasyon sa kanilang guesting sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”

Doon ay hiniling ng dalawa kay Kuya na maging ninong ng kanilang anak na si Felisse McKenzie.

Ipinunto ni Joson na malaki ang utang na loob nila sa PBB dahil doon sila nagsimula.

Matatandaan na naging bahagi sina Joson at De Leon ng “Pinoy Big Brother: Luck 7” noong 2016.

Inamin naman ng dalawa noong June na sila ay nagkabalikan bago ang pandemya.