Imports, posibleng ibalik na sa PBA

Kinokonsidera na ng PBA na maibalik sa conferences nito ang mga import na manlalaro.

Sinabi ni PBA chairman Ricky Vargas, na bukod sa pagpapalaro ng imports sa semi-bubbly set-up ay binabalak rin nila na mapayagan ang live na panunuod ng mga laro.

Ayon kay Vargas, hihilingin nila ang permiso ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para maibalik ang imports.

Mababatid na ang National Capital Region, na target venue para sa mga laro, ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 hanggang November 14.

Sa ilalim ng nasabing klasipikasyon ay pinapayagan ang contact sports sa ilalim ng bubble-type setup alinsunod sa guidelines na inadopt ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease, Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at aprubado ng local government unit.