16 na sumukong rebelde, iprinisenta sa Tboli, SoCot

KORONADAL CITY- UMAABOT sa 16 na mga former rebels ang iprinisenta ng Local Government Unit ng T’boli sa isinagawang Consultative Meeting Cum Presentation of Accomplishments ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict o MTF-ELCAC noong Pebrero 22, 2022.

Sa isinagawang press conference, inihayag ni Tboli Mayor Dibu Tuan na gusto nilang mabigyan ng nararapat tulong ang mga sumukong rebelde.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa naturang programa, lubos na tinggap ng mga high ranking officials ng PNP at AFP ang pagbabalik loob ng naturang mga rebelde.

Layunin ng programa na mahikayat ang mga rebelde na nasa kabundukan na sumuko at mamuhay na ng matiwasay at may kapanatagan.

Kasama ng mga sumuko ang kanilang iba’t ibang uri ng kalibre ng armas kagaya ng 1 Shotgun; 2 ka Granada; 2 M14 rifle; 1 Uzi; 4 M16 rifle, 3 M79; 1 Caliber 45 na pistola.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal sa isa sa mga sumuko, ang naturang mga armas umano ang kanilang ginagamit sa mga operasyon laban sa gobyerno.

Sumuko umano ang mga ito dahil sa hindi natupad na pangako ng grupo at mga nagpapatuloy na programa ng gobyerno para sa kanila.