KORONADAL CITY- LABING-ISA na ang mga Philhealth accredited Konsulta providers sa region 12.
Ang mga ito ayon kay Philhealth 12 Information Officer Hannah Naanep ay kinabibilangan ng mga Rural Health Units ng Banga, Norala, Surallah, Polomolok, Sto.Niño, Tupi, T’Boli, at Howard Hubbard Memorial Hospital sa South Cotabato; RHU ng Glan at Malungon at Saranggani Provincial Hospital.
Inihayag ni Naanep na sa naturang mga Konsulta providers, maaari nang magpacheck-up at mag-avail ng libreng laboratory services ang mga Philhealth members bilang bahagi ng Konsulta package.
Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga miyembro na magpakonsulta upang agad na masuri at mabigyan ng gamot nang hindi na lumala pa ang kanilang iniindang karamdaman.
