LEGAZPI CITY – Nasa kulungan na ngayon ang Rank No. 4 City Most Wanted Person ng Ligao City matapos maaresto ito ng mga awtoridad sa Purok 1, Brgy. Busay ng nasabing lungsod.
Kinilala ang naaresto na si Honesto Franca Salva Jr., 31 anyos, isang machine operator at residente ng nabanggit na barangay.
Ito ay may kinakaharap na dalawang bilang ng kasong paglabag sa RA 7610 na mayroon piyansang P200,000.00. ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya habang walang piyansa ibinigay ang korte sa kasong Rape.
Nabigyan rin ng kaukulang hustisya ang biktima na pang-aabuso ng isang lalaking aktibong miyembro ng Philippine Army na si 1LT Christian Hacutina Bahillo, residente ng P-1 Badian, bayan ng Oas, Albay.
Si 1LT Bahillo, ay dinampot ng mga kawani ng Daraga MPs sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija dakong 12:45 ng hapon sa bisa ng warrant if arrest na ipinalabas ng Family Court Br.2, Daraga (Locsin) Albay para sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law at apat na bilang ng kasong “panghahalay” na walang iminungkahi na piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.
Dagdag pa nito, ang buong pwersa ng PNP Bicol sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagtutulungan upang mahuli ang mga ito na mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng krimen.
Kaugnay nito, mas paiigtingin pa at palalawigin pa ng PNP ang mga inisyatibo at programa upang mabilis na makamtan ang tunay na katahimikan sa buong rehiyon.