16 kalalakihan nagkaroon ng Gonorrhea

NAGA CITY- 16 na kalalakihan ang nairecord ng Naga City Social Hygiene Clinic  na tinamaan o nagkaroon ng  Gonorrhea  o ang isa sa mga resulta ng sexually transmitted bacterium o impeksyong nahahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Inihayag ni Grace Guevarra Medical Technologist ng Social Hygiene Clinic , 90% sa mga nagpatingin sa klinika ang tinamaan nito at ngayon ngang 2021, 16 na ang kumpirmado.

Read More:  21-year-old graduate drowns in Cebu waterfall flood

Pagpupunto pa ni Guevarra , dapat magamot ito nagreresulta kase sa hirap sa pag-ihi at pagnana ng pribadong parte ng lalaki. Importante rin ang tamang gamot upang maiwasan ang pabalik-balik na impeksyon upang hindi na makahawa.

Read More:  Suspect in killing of online seller in Davao del Norte, arrested

Noong 2020, 107 na lalaking residente ng Naga at Camarines Sur ang nagsailalim sa pagsusuri, 64 ang positibo.

Samantala hindi lamang lalaki ang nagkakaroon ng Gonorrhea o tulo, maging babae ay tinatamaan din subalit  90% walang sintomas, gayunpaman delikado pa rin itong makahawa.