BNFM BICOL—Umabot sa 143 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region kahapon araw ng Linggo.
Batay sa ulat ng Department of Health, tanging ang lalawigan na lamang ng Camarines Sur ang nakarehistro ng ‘three digit’ number of new cases na mayroong 113.
Sa naturang bilang 44 dito ang mula sa Naga City; 19 sa bayan ng Pili; pito sa Sipocot; apat sa Bato, Milaor at Nabua; tatlo sa Bula, Cabusao, Canaman, Iriga City at Libmanan; dalawa sa Baao, Calabanga at San Fernando habang may tag-iisang kaso ang mga bayan ng Balatan, Bombon, Buhi, Camaligan, Goa, Lagonoy, Magarao, Ocampo, Ragay at San Jose.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay nadagdagan ng 16 na kaso kung saan lima dito ang mula sa Prieto Diaz; apat sa Gubat at Sorsogon City at tag-iisa naman ang Bulan , Casiguran at Donsol.
Samantala, pitong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan dalawa nito ang mula sa Daraga at Legazpi City at tag-iisa ang Malinao, Polangui at lungsod ng Ligao.
Mayroon namang lima ang Camarines Norte kung saan ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Daet, Labo, Paracale, Sta. Elena at Vinzons.
Isa naman ang naidagdag sa Catanduanes mula sa bayan ng Virac habang zero case naman ang Masbate.
Sa kabuuan, pumalo na sa 58,320 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 8,754 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 66 ang mga gumaling kaya’t nasa 47,517 na ang recoveries habang isa ang naidagdag sa mga nasawi na sa ngayon ay umaabot na sa 2,049.###