BNFM BICOL– Umabot na sa 119 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office as of February 5, 2022.
Ang naturang bilang ay mula sa 3,139 na mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya.
Nasa 2,894 na rin ang bilang ng recoveries makaraang madagdagan ng tatlo nitong Sabado habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na sa ngayon ay nananatili sa 128.
Samantala sa 11 mga bayan sa Catanduanes, ang bayan ng Virac ang may pinakamaraming active cases na may 22; sinundan ito ng San Miguel na may 18; pawang 16 ang aktibong kaso sa bayan ng Caramoran at Pandan; 14 sa Bato; 12 sa San Andres habang nasa siyam naman pababa ang aktibong kaso ng sakit sa iba pang natitirang mga bayan sa islang probinsya.###