LGU-Daraga sa Albay, muling nanawagan sa mga residente na magpabakuna, upang maabot ang herd immunity ngayong taon

BNFM BICOL—Muling nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Daraga sa lalawigan ng Albay sakanilang mga residente na magpabakuna na kontra COVID-19.

Sa kanyang facebook post, hinikayat ni Daraga Mayor – Vic Perete ang kanyang mga nasasakupan na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa iba’t-ibang panig ng kanilang bayan dahil sa layuning maabot ang ‘herd immunity’ bago matapos ang kasalukuyang taon.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Sa kabila aniya ng pagkakasailalim sa Alert Level 3 quarantine classification, nagpapatuloy ang kanilang pagsusumikap na mabakunahan at mabigyan ng proteksyon ang mayorya sakanilang mga residente at upang kahit papaano ay maibalik na rin ang sigla ng ekonomiya at turismo sa lugar.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Batay sa pinakahuling ulat ng Albay Provincial Health Office, umabot na sa 48% ng 70% ng populasyon sa bayan ng Daraga, ang bakunado na kontra COVID-19.###