120M pondo inilaan para sa plebesito sa Maguindanao!

PINAGHAHANDAAN na ng Provincial Government ng Maguindanao ang isasagawang plebesito kaugnay ng pagbuo ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, na natanggap na nito ang liham mula sa COMELEC bilang paghahanda sa darating na plebesito na posibleng isasagawa sa susunod na buwan ng Agosto.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan


Isang daan at dalawampung milyong piso ang inilaang pondo sa nasabing plebesito at kampante si Governor Bai Mariam na papaburan ito ng mga residente sa pamamagitan ng kanilang pagboto ng YES upang hatiin ang kasalukuyang Maguindanao Province.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system


Una ng sinabi ng lady governor na ang pagbuo ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ay isa lamang sa mga hakbang upang mas mapaunlad pa ang probinsya.