12-17 anyos na mga fully vaccinated pwede na ulit makapasok sa mga enclosed establishments sa Naga City

NAGA CITY- Pinapayagan na muling makapasok sa mga enclosed establishments ang mga batang edad 12-17 anyos sa Naga City.

Ito ang nakapalaman sa Executive Order No. 2022-006 ni Mayor Son Legacion. Epektibo ito simula noong Sabado, Pebrero 12, 2022.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Kailangan lamang ipresenta ang vaccination card, ESalvar QR ID at Identification Card sa mga enclosed commercial, public at private establishments maging sa mga pook dalasan , simbahan o sambahan.

Nakasaad sa kautusan ng Inter- Agency Task Force National na kung bumababa ang kaso ng COVID-19 maaari naman itong gawin. Mababatid na matapos ang  Holiday Season ay isinailalim sa Alert Level 3 ang Naga nang marami ang maitalang tinamaan ng virus, subalit nitong mga nagdaang linggo bumababa ang kaso.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Malaking bagay ito ayon sa alkalde para sa ekonomiya at mental health.