Tatlong malalaking malls sa Naga venue ng 5-11 years OLD COVID-19 vaccination roll out

NAGA CITY-  Tatlong malalaking malls sa Naga City ang magiging venue ng bakunahan laban sa COVID-19 sa mga edad 5-11 anyos.

Ang SM City Naga, Vista Mall at Robinson’s Mall ay nangakong magigiliwan ng mga bata ang vaccination sites dahil ang set up ay pambata tulad ng kanilang mga paboritong cartoon characters, superheroes at iba pa.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Ngayon araw ng mga puso Peb. 14, 2022 sisimulan na ang pagpapalista ng mga nais magpabakuna. Peb. 21, 22, 24 at 25 ang initial vaccination rollout sa nasabing age group.  Ayon kay Allen Reondanga Chief ng City Events Protocol and Public Information Office, maaaring magpalista sa mga paaralan at barangay.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan