Principal pinagbabaril sa harap ng asawa

SORSOGON CITY – Patay ang 52-anyos na Punongguro ng isang pampublikong paaralan sa bayan ng San Jacinto, Masbate matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa loob mismo ng kanyang bahay, gabi noong Sabado sa Brgy Calipat-an ng nabatid na bayan.

Kinilala ang biktima na si James Bartolata Villamor, may asawa, Principal ng Interior Elementary School ng nasabing bayan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ulat na nakarating sa Brigada News, habang nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang asawa at isang nangungupahan, ay bigla na lang pumasok ang dalawang armadong lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa leeg at tiyan.

Naisugod pa ito sa Ticao District Hospital subalit dahil malubha ang kalagayan ay inilipat agad sa Masbate Provincial Hospital kung saan siya binawian ng buhay habang ginagamot.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Samantala, hindi naman dinamay ang asawa nito at ang nangungupahang babae.

Narekober ng rumespondeng pulis ang isang tingga at dalawang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na pistola.

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at pagkakilanlan sa mga suspek.