Pumalo na sa 101 ang kabuuang bilang ng mga kandidato na nagwithdraw ng kanilang kandidatura sa BSKE, dalawang araw bago ang October 30 BSK Elections.
Sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) Sorsogon, pinakamarami sa nasabing bilang ay mula sa lungsod ng Sorsogon na mayroong 32 kandidato, tig tatlo mula sa mga bayan ng Casiguran, Barcelona, Gubat at sa bayan ng Sta. Magdalena, 12 sa bayan ng Castilla, 7 sa bayan ng Donsol, 1 sa bayan ng Magallanes, tig lima sa mga bayan ng Pilar, Bulusan at Matnog, tig anim sa mga bayan ng Bulan, Irosin at Pto. Diaz at 4 sa bayan ng Juban.
Sa rehiyong Bico,l mahigit 600 na ang bilang ng mga kandidato ang umatras nitong Huwebes, kung saan nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur sa nasabing bilang na mayroong mahigit 154, sumunod ang Albay, Masbate, Sorsogon Cantanduanes at Camarines Norte.
Ang Bicol ay mayroong 120,219 na mga kandidato para sa BSKE, 69,105 dito ay tumatakbong Brgy Chairman at Brgy Kgwd at 57,114 ay tumatakbo sa Sangguniang Kabataan.
