Lalaking nangsalisi sa isang botika; Viagra at hindi pera ang isa sa pinag-interesan

ISANG lalaki sa America ang nangsalisi sa isang botika na imbes pera, Viagra ang pinag-interesan.

Inabot ng holdupper ang isang papel na may sulat ng mga gamot na kanyang gustong tangayin kasama ang Viagra.

Ang lamang ng sulat ay: “THIS IS A ARMED Robbery, Please cooperate; I don’t want to hurt you. You are not to alarm anybody, or I will shoot the closest person to me! Please follow these directions or I will shoot the closest person to me.”

Ayon sa mga otoridad sinundan nila umano ang nasabing holdupper habang hawak-hawak nito ang mga gamot at  sulat.

Ang nasabing akusado ay nahaharap na rin sa iba pang kaso kabilang ang robbery. ### KENNETH BERMIL