Mga botante sa BSKE, hinimok ng kongresista na maging “demanding” at huwag maging mabait

Nanawagan si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa mga botante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mag-isip nang mabuti at maging “demanding” sa pagpili ng mga ihahalal na opisyal.

Ayon kay Lee, hindi dapat makuntento ang mga Pilipino sa “minimum” na serbisyo kung nais nila ng tunay na pagbabago ng bansa.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Panahon na aniya para baguhin ang kultura na nagpapasalamat ang mamamayan na nabibigyan sila ng ayuda at papayag na lang na magnakaw ang pulitiko.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Giit ng kongresista, masyadong mabait, matiisin at mapagpasensya ang mga Pinoy.

Idinagdag naman ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes na hindi dapat kamag-anak, kakilala o kaibigan ang iboto sa eleksyon kundi ang mga may kakayahan, edukasyon at programa.