SORSOGON CITY – Patay ang 77 pirasong baboy sa nangyaring ‘self-accident’ sa Brgy Pange, Matnog, Sorsogon.
Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng Matnog Police, naipit ang ibang baboy habang ang iba naman ay na-suffucate.
Nakaligtas naman sa kapahamakan ang driver na nakilalang si Jesus Camanal Auditor, 42-anyos, may asawa naninirahan sa Allah Valley Drive, Surallah, South Cotabato at dalawang pahinante nito na sina Aljhon Rama at Regie Tabonara at pasaherong si Mary Rose Besandre.
Batay sa ulat, ang cargo truck ay galing Bukidnon via Matnog Port at papuntang Metro Manila.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng depekto ang preno ng truck dahilan para mag-overshoot ito sa kalsada at napunta sa kabilang linya hanggang sa tumagilid ito.
Una rito, isang ‘downhill sharp curve’ na kalsada umano ang tinatahak ng truck bago nagkadepekto ang preno nito.
Ayon pa sa impormasyon, ang truck ay may kargang 115 na ‘live pigs,’ 38 lang dito ang buhay. Ibinigay umano ang 77 patay na baboy sa mga residente ng nasabing lugar na tumulong sa paghahakot sa mga baboy.

