LGU Cauayan City, handang magsagawa ng mass testing

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Cauayan sa Department of Health (DOH) Region 2 na handang magsagawa ng mass testing ang LGU matapos itong irekomenda ng ahensya dahil sa mataas pa rin na aktibong kaso ng COVID-19 sa syudad.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Reina Santos, ang Information Officer ng Cauayan City, noong August 26 ay kanila itong kinumpirma sa DOH at hinihintay na lamang ang guidelines mula sa naturang ahensya.

Aniya, inaasahang sa susunod na linggo ay maibaba na ang guidelines kung paano isasagawa ang mass testing at kung ilan ang target na ma-test dahil nakadepende ito sa ibibigay na swab test kits ng DOH.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sinabi pa niya na magkakaroon pa ng pagpaplano at paghahandaan ito nang maayos ng LGU gaya ng posibleng pagdaragdag ng isolation tent lalo pa’t inaasahang may mga magpopositibo sa COVID-19 kapag umarangkada na ang mass testing.

Titingnan din nila aniya ang mga barangay na may mataas na aktibong kaso na siyang magiging basehan sa pagsasagawa nito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Batay sa pinakahuling datos ng Cauayan City COVID-19 task force mayroong 128 total active cases ang lunsod kung saan apektado ang 32 barangays.

Samanata, sinabi pa ni Atty. Santos na kinumpirma rin ng City Health Officials na sa kasalukuyan ay wala pang banta ng delta variant sa lunsod.

Kaya naman patuloy aniya ang paghihigpit sa mga border checkpoints upang hindi makapasok ang naturang variant sa lunsod lalo pat nakapagtala na ng kaso ng delta variants ang mga karatig bayan at syudad.