Ilang senador, bumuwelta sa pahayag ni Duterte na walang nangyayare sa mga Senate probe

Hindi pinalagpas ng ilang Senador ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag paniwalaan ang mga imbestigasyon ng Senado dahil wala raw nangyayare.

Ayon Senate President Tito Sotto III, baka nakalimutan o ‘misinformed’ ang Pangulo kaya padadalhan niya ng report ng Senate Committee of the Whole ukol sa inimbestigahan nito na anomalya sa PhilHealth.

Karamihan aniya ng appointee’s ng Pangulo ay nasibak sa pwesto at nahaharap ngayon sa mga kaso.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mariin namang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang mga pahayag ng Pangulo ang siyang dapat hindi paniwalaan dahil marami aniyang batas ang pinakikinabangan ngayon ng mamamayan dahil sa mga inquiries at imbestigasyon na isinagawa nila sa Senado.

Sinabihan pa ni Lacson si Pangulong Duterte na magbasa muna ukol sa principles ng separation of powers bago pakialaman ang Senado.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Unahin na lang daw sanang atupagin ng Pangulo ang kakulangan ng mga sangay ng gobyerno na kanyang pinamumunuan dahil hitik raw ang mga ito sa incompetence at korapsyon sa gitna ng pandemya.

Sa huli, pinaalalahanan ng Senador ang Pangulo na hindi monarkiya Pilipinas kundi republika na presidential form ang gobyerno. //MHEL PACIA-TRINIDAD