10 ektarya ng lupa, idinonate ng isa pang Punong Barangay sa Camarines Sur

Camarines Sur –”Saludo kami sayo kap!” Ito ang wika ng mga kababayan sa isang barangay kapitan sa Bombon Camarines Sur, hindi na kasi poproblemahin pa ng lokal na pamahalaaan ng bayan ang lupain na pagtitirikan ng mga proyekto rito, ito ay matapos na magdonate ng sampong ektaryang lupa ang Barangay kapitan ng San Roque naturang bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay James Paul Ranin ng Barangay San Roque sinabi nitong mayroon silang kabuoang labing apat na ektaryang lupain, mahigit sampo rito ang idinonate sa pamahalaang bayan.

Kasama sa mga proyektong itatayo tulad ng diversion road patungong centro, subdivision, community college, estasyon ng PNP at BFP, public market at marami pang iba.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon pa sa opisyal matagal na niya itong plano at nagkasundo naman sila ng kaniyang pamilya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang ay may isang kapitan din sa bayan ng Tinambac sa parehong lalawigan ang nagdonate rin ng kaniyang lupain para sa higit 100 mga pamilya.