1 patay habang 1 ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Maguindanao del Sur

Patuloy na nagpapagaling si alyas Anna matapos tamaan ng kidlat nitong nakaraang araw habang nag-aantay sa waiting shed sa Brgy. Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur.

Habang ang kasama nitong si alias Ellaine na nasawi sa pangyayari ay milalamayan.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ayon sa kapulisan, sakay ng Raider-150 ang dalawa mula Carmen papuntang Tacurong City. 

Ngunit pagdating sa isang paaralan, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya kinailangan nilang sumilong sa waiting shed.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Habang nag-aangtay, hindi sila nakaligtas sa sunod sunod na kidlat.

Rumespunde ang mga barangay official at dinala sa hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Alias Ellaine.