NAGA CITY – Naayos na at tuloy ang monitoring ngayon sa circuit breaker na umusok sa Naga City Hall.
Ayon sa City Building and Maintenance Office, normal lamang umano ang nangyaring pag-uusok sa kabila ng ilang araw na itong nangangamoy dahil sa may kalumaan na ang wire, na-overload dahil sa mga renobasyon ng mga opisina na nangangailan ng kuryente, kaya nag-overheat, na wala na dapat umanong ikabahala.
Sa panayam naman kay City Administrator, Elmer Baldemoro, normal man o hindi, kailangan pa rin na masigurado na hindi na mauulit ang pangyayari, dahil maliban sa kaligtasan ng bawat empleyado, iniiwasan ding matigil ang mga transaksyon sa mga opisina, lalo na sa City Treasurer’s Office, mga online transactions at iba pa. Kaya naman tinitingnan pa ngayon kung may mga dapat pang ayusin o palitan.
Nangyari ang insidente nitong Lunes ng umaga, na nagdala ng pangamba sa mga empleyado na kaagad namang nakabigay ng asistensya ang Naga City Fire Station.