NAGA CITY- 1.3 hanggang sa 1.5 milyon ang inaasahang dadalo sa foot procession o segunda traslacion at Fluvial Procession kaugnay ng Peñafrancia Festival ngayong 2023.
Iba pa ito sa bilang na inaasahan sa Traslacion Procession at civic and non-religious event.
Ito ang nabanggit ni City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen Reondanga sa Signing of Memorandum of Commitment at Initial Coordination Meeting ng Peñafrancia Multi-Agency Coordination Group kasama ang Joint Operations Center.
Bago ang foot procession mula sa Metropolitan Naga Cathedral patungo sa dalhugan o sa “Reyna del Bicol” Landing sa Barangay Dinaga, magkakaroon muna ng misa sa Quadricentennial Arch sa Sept 16, libo-libo rin ang dadalo.
Kaugnay nito puspusan ang paghahanda ng inter-agency.