𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗗𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗔

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology Cordillera Administrative Region na asahan ngayong taon ang mas mabilis na internet connectivity sa kanilang lugar.

Inihayag ni DICT-CAR Regional Director Pinky Jimenez, sakop ang Cordillera region sa phase 1 ng National Broadband Program na magsisimula sa bansa sa mid-quarter ng taon.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang National Broadband Program ay ay isasagawa upang mapabilis ang internet speed sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng high-speed broadband network.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa bawat Local Government Unit upang mapabilis ang implementasyon ng naturang programa.