𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗙𝗨𝗚𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang lalaki matapos itong malunod habang nangingisda sa isang pond sa Hingyon, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Hingyon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, kinilala ang nasawi na si Jay-ar Napudo Botal, 35-anyos at residente ng Nun-olpad, Namulditan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Una rito ay nakatanggap umano ang MDRRMO ng report hinggil sa natagpuan palutang-lutang na katawan ng lalaki sa isang lawa.

Ito umano ay nakita mismo ng may-ari ng pond na noo’y magpapakain lamang sana ng kaniyang mga alagang baboy.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababa umano ang potassium ng nasawi na nagsanhi upang mahimatay ito habang nangingisda sa pond na nagresulta ng kaniyang pagkalund.