Lalaking nakuryente patay sa Naga City, kinumpirmang may mga record ng pagnanakaw

NAGA CITY – Kinumpirma ng Naga City Police Office na may mga record ng pagnanakaw ang lalaking nakuryente-patay sa Naga City kahapon nang umaga.

Ito ang napag-alaman kay PSMS Tobias Bongon, Information Officer ng NCPO ng makapanayam ito ng BNFM Naga.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon kay Bongon, sangkot sa ilang serye ng nakawan sa lungsod ang namatay na si Erickson Aberos y Mayao, 29-anyos ng Metroville Sabang, Naga City.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pagnanakaw ng wire ang pakay nito sa likod ng isang gusali sa Barangay Dinaga, kung saan natagpuan itong wala ng buhay matapos na makuryente ng putolin nito ang isang live wire.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang pamilya ng nasawi ay tumanggi nang ipasailalim sa autopsy ang bangkay ni Erickson.